I used to hate reading, siguro kase ayoko ng may hinahawakang malaki. Hindi ako komportable kapag ganun lalo na kapag makapal ang librong babasahin ko. Pero ngayon, nagiging okay na ang "relationship" ko sa reading. Though love-hate pa din siguro.
Simula ng nagpalit ako ng fone, nahilig na akong magbasa. Puro kase e-books ang binabasa ko. Nung nakabili ako ng phone, agad akong naghanap ng PDF reader. Hindi ako agad nakahanap kaya depressed ako dati.
Hindi ako makapaniwala na tapos ko na ang HP6 at ngayon binabasa ko naman ang HP7. Natatawa na lang ako, naalala ko nung 3rd year H.S ako. Hiniram ko ang HP5 sa classmate ko. After two days siguro, binalik ko na kase ayoko ng basahin. Haha. Mas naging ok sakin ang reading kase komportable na ako. Wala ng hinahawakang libro at kahit saan pwede kong dalhin kahit makapal pa :)
Sana hindi na ako mawalan ng ganang magbasa.