Mahirap kapag nasa sitwasyon kang sinasabihan ka ng "i love you" pero ikaw, hindi mo siya masagot ng "i love you too." Para kang nagtatanggal ng stain sa damit na hindi matanggal. Kahit paulit-ulit mo siyang sabihan na hindi mo na siya mahal, wala pa din. Nagbibingi-bingihan at nagtatanga-tangahan.
Sana naman isipin ng mga taong ganito na hindi lang sila ang nahihirapan, kahit pa sabihin na natin na doble ang pain na nafefeel nila, pareho pa din kayong nahihirapan. Selfish sila, hindi nila inisip yung nafefeel mo. Ang gusto lang nila, sila lang ang masaya. Bakit? May right ka din namang sumaya ah. Bakit nila kailangang ipagkait sayo ang happiness mo? Kung mahal ka talaga niya, bibitaw siya kase dun ka masaya.
Swerte mo may nagmamahal sayo. Oo, maswerte ka nga. Pero masaya ka ba na hindi mo man lang mabigay sa kanya yung pagmamahal na gusto niya? Hindi diba? Para kang nasa kulungan.
Sana ang mga ganyang tao, matauhan na. Huwag na sang magpakatanga. Huwag lang sarili ang iniisip. Please lang.