On the hunt.
Sorry kung nagsasawa na kayo sa kakablog ko na kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko na talaga, swear! Ayoko na ng humihingi sa papa ko ng pera, gusto ko naman makatulong dito sa bahay. Gusto ko na may nai-shashare naman ako dito sa bahay. Lagi akong nagsesearch sa mga job-searching sites kaso wala eh. Kulang pa ang trainings ko, kung hindi naman training ang problema, yung age naman. The Eff! Ano ba naman. Sana bigyan na ako ni Lord ng mahahanap na trabaho. Naghahanap naman ako eh, kaso wala. Wala talaga. 21 na ako, ang tanda ko na. Kailangan ko ng maghanap ng trabaho. Ayoko naman na magfly-fly pa. Gusto ko muna maexperience kumita ng Peso bago Dollar. Kahit on-call secretary lang sa clinic okay lang. Floater kaya pasukan ko? Okay kaya? Hay Nako.
Mas okay pa na mag-aral na lang. Walang problema, mga exams lang. Kaya kayo dyan, i-enjoy niyo ang pag-aaral. Magsisisi kayo kapag graduate na kayo. Mamimiss nyo mga friends at kalokohan niyo. Kung pwede lang na college na lang ako forever eh.
I'm hoping and praying.