Wala ako sa mood kanina. Narinig ko nanaman kase ang "Saka na!". Nakakasawang pakinggan. Hindi naman ako magpapabili kung alam kong hindi ko kailangan eh. Tinantanan ko na nga kayo sa kakukulit sa punyetang camera na yan eh. Bagong cellphone lang ang kailangan ko kase kailangan na talagang mapalitan ng bulok na cellphone ko. Oo, maarte ako kase gusto ko yung tig P9,200. Alam niyo, kaya ako nagpapabili ng mahal kase alam kong nagtatagal ang gamit sa akin. sa P9200 na yun, na once lang kayo gagastos, hindi niyo pa magawa. Alam niyo namang nagtatagal ang mga gamit sa akin, db?
Wala akong graduation gift, wala din akong nakuha sa inyo nung nakapasa ako ng NLE. Inintindi ko yun kase alam kong madami na kayong gastos sa akin. Eto lang naman hinihingi ko, ipopostpone niyo nanaman. Pucha naman, oo. Nakakainis naman. Hindi ko na mahintay yung araw na makapagtrabaho sa abroad at mag-earn ng sariling pera. Iiwan ko talaga kayo. Hindi na ako babalik.
Oo, ako na ang ingratang anak. Ako na!