Ibinalita lang sa akin ni Freda kaninang umaga sa duty na may bagong horoscope, medyo na curious ako pero that time naisip ko na na baka effective lang sa mga 2011 babies yun. Kase kung iisipin mo, tumanda ka na't lahat eh mapapalitan pa ang zodiac mo.
Paglog-in ko sa fb kanina, ayun. Dun ako nairita kase nagkalat ang status na "my new zodiac sign is..". Sorry naman, pero hindi sa pakikialam eh noh? Naiirita lang ako. Parang napaka-big deal. Hindi ba mas madami pang dapat isipin? Tignan niyo naman ang Bicol ngayon, tignan niyo din yung nangyari sa Queensland, Australia. Sus, hindi ba kayo natatakot? Ako sobrang takot, natrauma na ako bagyong Pepeng. Ayoko na maulit dun. Ang akin lang, think about more important things. Ayun.
Sorry naman, nagrant nanaman si pakialamerang Kim.