Nakasched kahapon ang pagpunta namin sa BDH para magfile ng application para sa training namin at final na yun at hindi na pwedeng ipostpone. Haha. At nagpunta nga kame kahapon. Yey! Nakuha na kame, tapos na ang tambay days namin at hello duty na uli. Feeling ko lang ha, feeling ko lang naman. Tatamadin nanaman akong magduty, lalo na kapag graveyard shift ako. Maiinis nanaman ako dahil nagnursing ako. Ang kalaban ko lang naman talaga eh ang graveyard shift. Masarap maging nurse kaso hindi masarap mapuyat. Totoo yan! Heto na. Wala ng mga Clinical Instructors na magguiguide sa akin. Natatakot ako. Ayoko namang makapatay ng tao dahil sa katangahan db? Ayoko namang marevoke ang license na pinaghirapan ko ng ilang taon. So eto na nga, nagstart na akong magstep forward. Nag-iisip na ako ng next na plano ko after ng training. Eto ang mga options ko:
- Mag-masterals para sa MAN na title. Haha
- Kuha ng specialization. Dialysis nurse? Ano kaya? Kidney Center here I come! Haha
- Magwork sa magandang hospital sa Mla. para maganda naman cred ko pag nag-apply sa Abroad.
- At lastly, magfly na! haha.
Hay nako. Hirap nga naman ng graduate ng Nursing.