Hinintay ko siya kagabi, dumating siya mga past 11pm na. Nakitulog siya dito kase aakyat siya ng Baguio para makuha ang Creds niya sa UC. Natuwa naman daw ako nung makita siya. Natatawa ako sa kanya kase ang dala niya lang eh "man-pouch" lang tas nagbyahe siya ng halos 8 oras. Ayun, nung nagising ako around 5am, nagluto na ako agad kase wala nga si Mama, kaya ako lahat ng gawain bahay. Wala pang nagrocery kase ngayon pa lang ang uwi nila Mama at Papa kaya ang niluto kong breakfast para samin ay Hotdog, noodles at nagtoast na din ako ng Pandesal. Haha, hindi ko alam kung nagustuhan niya yung niluto ko. Mukha kaseng napilitan siyang kainin yun. Haha. Ayun, bago siya umalis madami akong pabaon sa kanya at buti kasya dun sa maliit na bag niya :)
Namiss kita ng sobra, sa Baguio na lang uli tayo :( Hay. ILY