Buhay pa ako! At matagal din akong hindi nakapag-blog sa kahit anong blog site ko. Napapanis na nga ata lahat sila eh. Isipin mo naman ang last na blog ko ay nung Christmas o New Year pa. Sorry naman. Naging busy kase ako, ang daming nirurush. Oo nga pala. Grumaduate na ako ng college nung March 26, 2010. Mixed emotions. Masaya ako para sa sarili ko pero ang problema ko, hindi ko alam kung ano ang next na step ko. Magtatake ba ako ng board exam? Magjojob hunting na ba ako? Magcacall center ba ako? Hihingi pa din ba ako ng pera sa daddy ko?
Sorry naman kung napakadami kong tanong. Hindi ko kase talaga alam ang gagawin after ng graduation. Unemployed na ako, hindi na ako student na anytime pwedeng manghingi sa tatay ng allowance. Syempre ngayon, nahihiya na ako.
Sana pumasa ako ng board exam. First taker at Top pa :)