
Blogapalooza:
1. Nag-alarm ako kagabi ng 4:40am para makapagreview :) at nag-goodnight kay Jonathan ng 8pm. Nagising naman ako, salamat sa alarm. Malakas ang ulan at hangin pero nag-review pa din ako kahit ang iniisip ko ay kung may pasok ba kame o wala, wala na ding naaabsorb ang utak ko dahil sa thought na yun. So nagtext ako kila KC at Jerg kung may pasok ba, pati kay sir Lim. Nakalimutan ko itext si Jodie hanggang sa siya na ang magtext at magtanong sa akin kung may pasok ba. Lahat na ata natanungan ko na. Buti na lang walang pasok :)
2. Walang storm signal dito sa amin pero sobrang malakas ang hangin at ulan. Gusto ko tuloy kumain ng bagong lutong pasta ni Mama.
3. Gusto ko na ng camera, hinihintay ko na yung promise sa akin ng tita ko. Haha! Special yun kase yun ang una at sana hindi huling request ko sa tita kong nasa ibang dimension. Nagrequest kase ako sa kanya ng Red na Canon Ixus 100IS. Pero ewan ko kung sinabi sa knya ni mama yung model na gusto ko. Shet! Madidismaya ako kung ibang model ang binili. Ngayon na nga lang ako magrerequest tapos mali pa ang bibilhin. hahaha.
4. Iniisip ko pala na maglipat ng ibang gamit dito sa gitna, yung "office-family-den-entertainment" room namin. Parang kadugtong na din siya ng kwarto ko eh. Mukha naman na siyang office ni papa kaya ayun, iniisip kong maglipat na ng gamit dito. Dito na din naman ako laging nakatambay kase may mahabaaaaang table. Sabi ko nga mukha na tlga office ni papa :)
5. Gusto ko ng kape, pantapat sa malamig na panahon. Pwede ding yosi habang nagbebeer at pizza :)