Blog entry ko to nung Friday morning, after ng bagyo at baha na ang bahay namin. Ngayon ko lang na-ipost kase ngayon lang nagkakuryente. After 2days and 2 nights :(
Natulog na ako kagabi ng past 9, nagising na lang (10pm) ako nung may naririnig akong sumisigaw sa labas ng bahay tapos biglang bumukas ang bintana ko. Akala ko si mama yung sumisigaw, so sinilip ko siya sa kwarto nila. Tulog siya. Nung bumalik na ako sa kwarto sinisilip ko mga tao sa labas, may dalawang naglalakad at sumisigaw yung isa, may mga kotse ng nakapark sa harapan namin. Pumunta si mama sa kwarto, nagulat din ata sa sumisigaw. Tapos bumaba siya, nagulat sa nakita niya dahil baha na mga bahay sa likod namin. Tinawag niya ako kase nakita niya din na baha na sa garahe at nataranta na papasok ang tubig sa bahay.
Ang mga relatives ko na likod ng bahay namin ay nagpunta na dito sa bahay. Natataranta na si mama, kahit ako pero hindi ko lang pinahalata kase dadagdag lang ako sa problema. Itinaas na namin ang mga gamit dahil pataas na din ng paatas ang tubig sa garahe. Pinasok na din ng tubig ang porch namin. Natataranta ako at natatakot. Ayokong matulad sa mga tao sa Manila na nasa rooftop na. Mga 12 or 1am nagsi-pwesto na ang mga kasama ko dito sa bahay. Ako muna ang toka na magbantay, nagdarasal din ako. Natatakot akong umakyat ang tubig kaya todo dasal at todo monitor ako ng tubig sa sala namin. Tinignan ko ang level. Around 2 or 3am bumaba ang tubig, so si Mama at ang lolo ko naman ang nagbabantay. Lumalakas ang ulan kaya expected na tumataas din ang tubig. Hindi ko na kaya imulat ang mga mata ko dahil antok na antok na ako. 5am na ako nagising, mga 1 oras ang tulog ko. Pagkagising ko, syempre morning routine muna, nakikita ko sa bintana na medyo maliwanag na kaya sinilip ko ang kalsada na gabi ay animo'y ilog na malakas ang agos at madaming nakapark na kotse, ngayo'y maayos na, wala ng tubig baha at andun pa din ang mga tricycle pero ang mga kotse ay wala na.
Sobrang takot ang naramdaman ko kagabi, yung tipong antok na antok ka na ay hindi ka makatulog dahil sa bilis ng tibok ng puso mo dahil sa takot. Tachycardic ako kagabi. Ninenerbyos na baka magaya sa Manila. 7:18am na. Kumakain na ng almusal ang mga kasama ko dito sa bahay. Panay putik sa sala namin. Mandidiri ka talagang umapak. First time kaming bahain. Nakakatakot talaga. Pati mga kaibigan ko din pala, yung iba nabaha din ang mga bahay. Sana may maitulong ako :(
Thank God for listening to my prayers.. our prayers..
Gusto ko ding magthank you kay Mama, for being brave. Kay Papa din (nasa Tarlac siya, at hindi makauwi dahil sa baha sa Pangasinan) kahit wala siya eh andyan pa din ang guidance thru text.
Sana hindi na maulit at sana umalis na ang bagyo.