
Arguments..Arguing..
Lagi na lang kame nag-aaway at alam ko ito ay unhealthy sa isang relationship. Pano naman kase siya, laging nandidiin at ako naman laging mainit ang ulo. Ilang months na din kameng hindi nagkita.. 4 months na. Ang tagal na din. Hindi ko maintindihan sarili ko. Bipolar ata ako eh, kase kapag magkausap kame lagi ko na lang siyang inaaway kapag hindi ko naman siya kausap namimiss ko siya. LABO. Bipolar nga siguro ako. Babalik siya next week, aakyat siya ng Baguio para kunin ang grades kase lilipat na siya ng school :( Eto ang masaklap, ang layo na niya. Sana makaakyat ako by next week para naman makita ko siya. Namimiss ko ang lahat, biro mo 4 months. Ang tagal kaya nun. Namimiss ko ang mga habits namin. Ang pag-akyat ko ng Baguio, ang pagpasyal sa Burnham, yung kakain kame ng pancit canton, gagawan niya ako ng assignment, lalambingin, ihahatid pa baba dito sa amin. Haaaaaaaaay. Nakakamiss.
:( Sorry bee! I love you.