Okay. Hindi ko maget-over yung kahapon, nung dinala ako nila lei at marc sa beach. I fell inlove with the place ata. It's so perfect, hindi katulad ng ibang beach dito (o malamang nadala lang ako). So I decided to make plans. Gusto ko pumunta ng beach, gusto ko ako lang mag-isa. I wanna be alone :( Gusto kong mag-isip, madaming kailangan pag-isipan. Gusto ko din ng ilang araw na walang net or communication sa mga kakilala ko. Ilang araw lang naman eh. Mag-iipon muna ako ng pambayad ko sa isang room at pangkain ko. I just wanna be alone right now, pero hindi pwede. Pero kapag nakahanap ako ng time at nakaipon ako ng pera, aalis muna ako. Hindi muna ako magpapakita ng ilang araw 1-3 days ay okay na. Katahimikan lang naman ang gusto ko eh.
Yun lang.