I'm hating everything right now!
Shet! Nawala yung concentration ko sa pagrereview. Ok na sana eh, nakakalayo na ako sa nirereview ko eh, tapos BOOM! ganito kase..
chineck ko ang pera ko ngayon-ngayon lang kase magpapaload sana ako. Tangna! Pagtingin ko wala na yung isang 5h. Pakyu! Kaya eto ako, iniisip kung saan napunta yung pera. Gusto kong hayaan na lang kaso sayang din eh. pucha! 500 na candy na yun eh. 250 sticks na ng yosi yun. pwede na ng ibili ng P500 na prepaid card yun. Pucha! Asan na?
eto ang promise ko sa sarili ko. Hinding-hindi ko na gagamitin yung magic wallet ko kase pangalawang beses na ko nawalan na gamit yung wallet na yun, buti sana kung P500 lang eh, total of 2500 na yung nawala. pucha. Never na talaga. Sorry sa nagbigay (sorry Tala!) pero kase kung lahat ng pera ko mawawala, eh wag na lang. Maluwang na kase yung garter nung wallet at yung mga pockets niya kaya madaling mahulog o di kaya pwede ring may kumuha.
kung sino man kumuha, sana masaya ka. pakasaya ka. baka yan na huli mong perang mahawakan. Goodluck. Kung nawala ko naman eh katanga ko sobra. pucha naman oo. kagago naman.
----------------------------
teka, divert topic lang ha. Nagsisimula nanaman kaseng kumidlat at kumulog at ayoko ng ganito, uulan nanaman kase. Ayoko na kase ng ulan.