Major depression nanaman. Lagi na lang akong ganito, kapag mag-isa ako ramdam na ramdam ko ang depression ko. Hindi ko naman kase pwedeng ipakita sa madla na sobrang depressed ako diba? Ayoko naman na ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan o ng mga tao eh - si XXX(censored) ay yung taong mataba na sobrang depressed. Ang panget naman diba? Madami na akong blog na nagawa. First time ko dito sa blogspot pero tignan mo naman ang una kong entry, tungkol nanaman sa depression. Kelan ba ako magiging masaya? Oo, masaya ako kapag nasa labas. Kapag nahalungkat mo ang tunay na ako, malalaman mo kung gano ako kalungkot at kung bakit. Hindi ako rape victim. Baka naman sabihin mo na rape victim ako kaya ako nagdradrama ng ganito. gah! HINDI. Masaklap lang din ang buhay ko :(
I need a Happy Pill!