First day of duty kahapon, at malayo ang area ako. 45 mins ang layo mula dito sa city, kailangan mo pag magbus tapos traffic pa. Nagusap-usap kame ng mga kaduty ko na 1:45pm (sabi ni ma'am yun para maaga), pagkapunta ko sa hintayan walang tao, medyo late yung iba, pero sakto lang. Ayun sumakay na kame ng bus. Naenjoy ko ang pagsakay sa bus kase may pinapaanood akong bizzare na movie, tungkol sa legends or whatever. Pang entertain sa sarili habang matagal pa ang byahe. Pagkadating namin dun, saktong 3pm na. Naghihintay na yung dalawang kaduty namin dun kase taga doon naman sila. Medyo nakakatakot yung hospital, madami kaseng puno sa paligid. Pagkapasok namin ng hospital, nagorient muna ang chief nurse, maayos naman ang pagtanggap samin kaya walang problema. Ayun so game na. Surprise Surprise! Isa ako sa medicating nurse, haha, natuwa ako kase naman dun lang uli ako nagmedicate after 100 years. Haha. So ayun, nagmemedicate kame tapos nagfeeding at kung anu-ano pang usual na ginawa namin sa duty. Nung uwiian na medyo nahirapang pumara ng bus, yung unang bus na tumigil eh hindi pala kame ang tinigilan, tapos nun may mga dumaan na hindi tumigil at finally, may tumigil din kahit yung mga boys namin eh standing. Maayos naman ang naging duty namin. Naenjoy ko naman. Mababait naman ang tao sa hospital, mabait din naman si ma'am at may case akong nahingi. wahahaha.
Maayos ang naging first day. Sana ganun din ngayon. Senior na ako!